(Download) "Ang Singsing nang Dalagang Marmol" by Isabelo de los Reyes y Florentino # eBook PDF Kindle ePub Free
eBook details
- Title: Ang Singsing nang Dalagang Marmol
- Author : Isabelo de los Reyes y Florentino
- Release Date : January 01, 1912
- Genre: Romance,Books,
- Pages : * pages
- Size : 1611 KB
Description
Ang nobeletang Ang Singsing nang Dalagang Marmol ni Isabelo de los Reyes ay hinggil sa kawal ng himagsikang Pilipino na napaibig sa isang dalaga, at sa digmaang inilapat ang pananagisag sa imahen ng pagmamahal sa kasintahan. Unang nalathala sa Ang Kapatid ng Bayan ang naturang nobeleta noong 1903, bago isinalin sa Espanyol ni Reyes sa El Grito del Pueblo noong 1905. Naglaho ang orihinal na sipi, kaya isinalin ni Carlos B. Raimundo ang teksto mulang Espanyol tungong Tagalog noong 1912.
Ipinakilala sa nobela ang isang tauhang mula sa pakikihamok laban sa mga Amerikano noong 23 Abril 1899. Nakilala ng tagapagsalaysay si Koronel Puso na nagkuwento naman hinggil sa naging karanasan sa dalagang may pangalang "Liwayway." Ang kuwento ng nobela, kung gayon, ay hindi tungkol sa tagapagsalaysay, kundi sa nabatid niyang karanasan nang makilala si Koronel Puso.
Taal na taga-Baliwag umano si Liwayway, na hindi lamang marikit bagkus nagtataglay ng puring maitutulad sa Inang Bayang Katagalugan. Ngunit may isang matandang nagduda sa tunay na niloloob ni Koronel Puso, at inakalang ito'y lolokohin lamang ang dalaga. Itinakas ng matanda ang dalaga kay Koronel Puso, at nakatanggap ng pasabi ang nasabing kawal na ikinasal na sa Amerikano ang babae. Isang araw ay nagbalik nang nakabalatkayo si Liwayway sa kampo ni Koronel Puso, at natigatig nang mabatid na sugatan ang minamahal. Ginamot at pinalakas ng dalaga ang pangangatawan ng Koronel, at pagkaraan ay ibinunyag ang tunay na katauhan. Hindi ako nagpakasal sa Amerikano, ani Liwayway, at sa halip ay nanatiling tapat sa iyo.